Photo © Abulog PNP

Nakabalik na sa kanyang pamilya ang isang babaeng napaulat na nawawala noong bagyong Falcon matapos masagip ng mga mangingisda sa gitna ng dagat sa isla ng Camiguin.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni P/Maj Ronald Ballod, hepe ng PNP-Abulug na nasa maayos nang kalagayan si Judith Berbano, 42-anyos ng Abulug, Cagayan matapos isailalim sa medical check-up.

Ayon kay Ballod, dalawang araw na nagpalutang-lutang sa dagat at nakakapit lamang sa isang kahoy ang biktima nang narescue ng mga mangingisda mula Sanja, Aparri.

Tinig ni P/Maj Ronald Ballod, hepe ng PNP-Abulug

Matatandaang unang nakaligtas ang asawa ng biktima nang tumaob ang kanilang bangka sa Abulug River noong July 17 habang nangunguha ng kahoy na panggatong.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa lakas ng agos ng tubig dulot ng bagyo ay naanod ang biktima hanggang sa makarating sa dagat.