Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Surigae at binigyan ng local name na Queenie.

Huling namataan ang sentro ng bagyo 1,310 kilometro silangan ng Northern Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 75 kilometers per hour at bugsong papalo ng hanggang 90 kph.

Kumikilos ang Queenie west-northwestward sa bilis na 35 kph; at wala pang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, inaasahang mapapanatili ng bagyo ang lakas nito hanggang bukas bago unti-unting lumakas habang nasa PAR at posibleng umabot sa typhoon category sa Linggo, September 27.

Hindi inaasahang direktang makaaapekto sa lagay ng panahon ang Queenie sa susunod na tatlong araw, ngunit magdadala ang periphery at trough nito ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin sa ilang lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan ding makararanas ang Batanes at Babuyan Islands ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms simula Sabado.

Inaasahang liliko pahilagang-silangan ang Queenie pagsapit ng Lunes at lalabas ng PAR sa Martes ng umaga.