
Ibinigay na sa prosecution panel ng impeachment trial ang mga bank at tax records ni Vice President Sara Duterte, ng kanyang asawang si Atty. Mans Carpio, at ng kanilang mga negosyo.
Ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon, susuriin ng prosecution team ang mga dokumento bilang mahalagang ebidensya sa Article of Impeachment na may kaugnayan sa alegasyon ng unexplained wealth o hindi maipaliwanag na yaman.
Target ng prosecution na simulan ang presentasyon ng mga ebidensya para sa naturang artikulo sa kalagitnaan hanggang huling bahagi ng Setyembre.
Nauna nang nakatanggap ang Senate impeachment court ng mga financial records mula sa mga bangko, BIR at Anti-Money Laundering Council.









