
Idineklara ng pamahalaang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang state of calamity dahil sa pinagsamang epekto ng pandaigdigang krisis sa langis at matinding init na dulot ng El Niño-Southern Oscillation (ENSO).
Ayon sa pamahalaang Bangsamoro sa ilalim ni Abdulraof Macacua, naapektuhan ng tagtuyot ang mahigit 800 magsasaka sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, habang nasa 851 ektarya ng sakahan ang napinsala.
Nagdulot din umano ng epekto ang pagtaas ng presyo ng langis sa transportasyon, suplay ng pagkain, at iba pang pangunahing serbisyo sa rehiyon.
Nagsimula ang pagpapatupad ng state of calamity noong Mayo 14, 2026 upang mapabilis ang paggamit ng calamity funds para sa relief at rehabilitation efforts.




