
Kinumpirma ng National Privacy Commission (NPC) na nakapagtala ng personal data breach ang sampung ahensiya ng pamahalaan.
Kabilang dito ang DICT, DOLE, BIR, PAGCOR, DOJ, SEC, DTI, DOST-PHIVOLCS, PCGG at Philippine Coast Guard.
Ayon sa NPC, sinimulan na nito ang imbestigasyon upang matukoy ang mga pangyayari, posibleng epekto sa mga apektadong indibidwal at mga hakbang na ginawa ng mga ahensiya.
Binigyang-diin ng komisyon na responsibilidad ng bawat ahensiya na tiyakin ang seguridad ng mga personal na datos na kanilang pinangangalagaan.
Pinayuhan din ang publiko na mag-ingat sa phishing, scam at identity theft, at iwasang mag-click ng kahina-hinalang links o magbahagi ng sensitibong impormasyon.
-- ADVERTISEMENT --










