TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 19 ang naitalang namatay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Region 02 matapos makapagtala ng bagong casualty sa Santiago City, Isabela.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH)-R02, mula sa nasabing bilang ng mga namatay, sampu ang mula sa Nueva Vizcaya, lima Isabela, tatlo sa Cagayan at ang kauna-unang namatay sa virus sa Santiago City.

Nadagdagan naman ng 56 na bagong kumpirmadong kaso sa rehiyon kung kaya’t umakyat na sa 1,305 ang confirmed cases kung saan 439 ang active cases at 847 ang gumaling.

54 percent naman mula sa mga active cases ang asymptomatic, 47 percent ang mild at one percent ang Severe case.

Nananatili namang covid-19 positive free ang probinsiya ng Batanes habang negatibo na sa virus ang limang naitalang confirmed cases sa Quirino.

-- ADVERTISEMENT --