
Pumalo na sa 27 ang naitalang nasawi dulot ng habagat at Bagyong Inday batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa Sarangani ay naitala ang 10 indibidwal, 7 sa Lanao del Sur, 4 sa Davao Occidental, tig-dalawa sa Zamboanga Sibugay at Bukidnon at tig-isa sa Iloilo at Zamboanga Del Sur; habang 7 ang naiulat na injured at 13 ang naitalang nawawala.
Samantala, nasa higit isang milyong indibidwal o higit 250,000 pamilya ang naitalang naapektuhan ng nasabing habagat at bagyo.
Nasa higit 3,000 namang mga pamilya ang naitalang nasa loob ng 60 evacuation centers sa bansa.










