Posibleng lumakas bilang super typhoon ang bagyong may international name na Saudel sakaling pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Lunes, Agosto 24, ayon sa state weather bureau.

Tatawagin ang bagyo bilang Obet kapag pumasok na ito sa teritoryo ng bansa. Ito ang magiging ika-15 bagyo ngayong taon at ikaapat ngayong Agosto kasunod ng bagyong Luis, Maymay at Neneng.

Base sa forecast ng weather bureau, saglit lang itong papasok at lalabas din sa sunod na araw o bukas subalit papalakasin pa rin nito ang habagat.

Ang bagyong Neneng na nasa labas na ng PAR ay hindi na inaasahang muling papasok pa sa teritoryo ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --