TUGUEGARAO CITY-Nagsimula ng gunitain ng mga Person’s Deprived of Liberty (PDL) ang Semana Santa sa loob ng kulungan.

Sa Ballesteros District Jail, sinabi ni Jail Senior Inspector Mark Anthony Saquing na kabilang sa mga isasagawang aktibidad ay ang pagdarasal, pagsasagawa ng film viewing may kaugnayan sa paghihirap ni Hesus at station of the cross.

Ayon kay Saquing na layon nitong pagnilayan ng mga PDL ang mga paghihirap ni Hesus hanggang sa Kanyang kamatayan at magsisi sa mga kasalanan.

Kasabay nito, magbibigay ng libreng sakay upang maghatid-sundo sa mga pamilya at kaanak ng mga PDL na dadalaw sa kulungan ngayong Holy Week matapos pahabain ang oras ng dalaw na magtatagal hanggang Linggo.

Lunes nang sinumulang itaas ng Ballesteros District Jail sa red alert status ang bilangguan kung saan kinansela lahat ng leave ng mga empleyado at ni-recall rin ang lahat ng nakakabasyon para sa mas mahigpit na pagbabantay kulungan.

-- ADVERTISEMENT --