PHOTO CREDIT: Apayao Police Provincial Office

TUGUEGARAO CITY-Sumuko sa mga otoridad ang isang barangay kagawad na miembro umano ng militia ng bayan sa Pudtol, Apayao.

Kinilala nu Police Major Allen Agwaking ng Apayao Police Provincial Office ang nagbalik loob na si Sabaway Abayo Amante alyas “KA James”, 64-anyos ng Brgy. Aurora, Pudtol.

Isinuko rin ni Ka James ang isang caliber 45 na baril at isang magazine na may apat na bala.

Ayon kay Agwaking, na- recruit umano si Ka James ng isang alyas ka Simoy noong 2012 kung saan siya umano ang nagsilbing siyang piankamata ng makakaliwang grupo sa Paku Valley.

Sumuko si Alyas Ka James sa tulong ng mga miembro ng provincial Task Force to end local communist Armed Conflict sa nasabing lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --