Nagsisimula nang umabot ang trough o buntot ng Tropical Storm Domeng (JANGMI) sa ilang bahagi ng Dinagat Islands, pati na rin ang ilang bahagi ng Leyte na nagdadala ng pa-minsan minsa’y maulap na panahon.

Sa Luzon naman, mananatiling mainit ngayong araw, aabot pa rin sa DANGER level Heat Index ang malaking bahagi ng Luzon kasama na ang Tuguegarao City, na posibleng umabot sa 46ºC mamaya, ayon sa forecast ng PAGASA.

Sa inaasahang pag-angat ng bagyong Domeng patungong Japan sa susunod na Linggo, saka pa lang aakyat ang Habagat na makakaapekto sa western sections ng Luzon, kaya mainit pa rin.