
Pumalag si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga paratang ni Senator Ping Lacson kaugnay ng umano’y ghost at maanomalyang flood control projects sa Taguig City.
Inakusahan ni Cayetano si Lacson ng demolition job, trial by publicity at witch hunt dahil sa pag-uugnay sa kanya sa mga proyekto at lupang bahagi ng reclaimed area ng Laguna Lake na sakop ng Taguig.
Sinabi ni Cayetano na handa siyang sagutin ang mga alegasyon sa tamang forum at iginiit na wala siyang galit kay Lacson.
Aniya, hindi patas na iugnay sa kanya ang lahat ng mga proyekto sa lungsod.
Samantala, sinabi ni Lacson na naisumite na sa Ombudsman ang mga ebidensyang nakalap ng kaniyang tanggapan kaugnay ng mga proyekto sa Taguig.
-- ADVERTISEMENT --









