Ibinasura ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating DPWH official Juliet Calvo na payagang sumailalim sa house arrest matapos siyang ma-stroke.

Si Calvo ay kapwa akusado ni dating congressman Zaldy Co sa kasong malversation kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro.

Sa halip na house arrest, pinayagan lamang ng Sandiganbayan Sixth Division si Calvo na manatili sa Philippine Heart Center nang 30 araw para sa kanyang gamutan.

Pagkatapos nito, ililipat siya sa Quezon City Jail Female Dormitory.

Ayon sa kanyang kampo, nahirapan si Calvo na kumilos at magsalita matapos siyang ma-stroke noong Agosto 5.

-- ADVERTISEMENT --

Si Co naman ay nananatili sa labas ng bansa at itinuturing na fugitive ng mga awtoridad kaugnay ng multi-bilyong pisong flood control case.