
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa dayalogo at pagkakasundo sa gitna ng tensyon sa pagitan nina pangulong Ferdinand Marcos Jr. at bise presidente Sara Duterte.
Ayon kay Archbishop Ricardo Bacay, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Public Affairs, mahalaga ang pag-uusap upang makamit ang kapayapaan at maiwasan ang pagkakawatak-watak.
Dagdag pa niya, patuloy na isinusulong ng Simbahan ang pagkakasundo at hindi ang pag-aaway o pagkasira ng isa’t isa.
Nauna nang nagsagawa ng prayer vigil si Gilbert Garcera alinsunod sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa kapayapaan sa buong mundo at pagsusulong ng dayalogo, pagkakasundo, at di-karahasan.










