
Hinimok ng Center for International Law (CenterLaw) ang Philippine government na agad ipatupad ang arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald dela Rosa.
Umapela rin ang grupo sa gobiyerno na kung maaresto ang senador ay agad siyang isurender sa tribunal.Balitang Pilipinas
Ginawa ni CenterLaw Executive Director Atty. Gilbert Andres ang apela kasunod ng inilabas ng Supreme Court na desisyon kahapon (May 20) na nagbabasura sa apela ng senador para sa temporary restraining order at status quo ante order.
Paliwanag ni Andres, sa pamamagitan ng desisyon ng SC ay natanggal na ang anumang legal na balakid sa Executive department para ipatupad ang warrant, salig sa itinatakda ng Republic Act No. 9851, ang domestic version ng Pilipinas sa International Humanitarian Law.
Maliban sa alinsunod ito sa batas ng Pilipinas, ayon kay Atty. Andres, ito rin ay maituturing bilang international legal obligation ng bansa.
Tinukoy din ng batikang abogado ang probisyon ng Philippine Constitution na sumusuporta sa pakikipag-cooperate ng bansa sa mga katanggap-tanggap na ‘international justice mechanisms’ tulad ng mga sistemang ipinapatupad ng ICC.



