
Nagbitiw na sa puwesto si Atty. Rudolph Philip Jurado, ang chief of staff ni Senador Robinhood “Robin” Padilla.
Sa isang nilagdaang pahayag, sinabi ni Jurado na isinumite niya ang kanyang pagbibitiw noong Hunyo 22, 2026, bago pa nagsimula ang impeachment trial. Aniya, tinanggap ni Senador Padilla ang kanyang resignation.
Ayon pa kay Jurado, magiging epektibo ang kanyang pag-alis sa Office of the Senator sa pagtatapos ng oras ng trabaho sa Hulyo 31, 2026.










