
Tinawag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na PR firm ni Tony Yang at ng iba pang ilegal na aktibidad sa bansa ang Chinese Embassy.
Sa isang pahayag, sinabi ni Teodoto na mula sa mga pampublikong pahayag ng nasabing embahada nitong mga nakaraang araw, malinaw na pinagtatakpan nila ang mga indibidwal na ito.
Nanawagan naman si Teodoro na kondenahin ito ng publiko. Sa lahat aniya ng embahada dito sa Pilipinas, ngayon lamangs siya nakakita ng ganitong klase ng pagmamalabis, kaya kailangang ipakita na hindi tayo papayag dito.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng pag-aakusa ng embahada na target umano ng operasyon ng Pilipinas ang mga Chinese national.
Matatandaang mahigit 60 Chinese national ang nahuli sa isinagawang operasyon sa Sanjia Steel Corporation noong Mayo sa Misamis Oriental, matapos mapag-alamang may radioactive materials ang nasabing steel plant.
Nauna nang sinabi ni Teodoro na dating pagmamay-ari ni Yang ang nasabing pasilidad.










