Naghahanda na ang Commission on Elections (Comelec) para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nakatakda sa Setyembre 14.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, pinag-aaralan ng komisyon ang pagbibigay-priyoridad sa mga media organization mula sa BARMM para sa election coverage, gayundin ang pagtukoy sa dominant majority at minority regional political parties na magkakaroon ng access sa election servers.

Target din ng Comelec na maipadala ang mga election return pagsapit ng alas-7 ng gabi sa araw ng halalan.

Magde-deploy din ito ng tig-10 contingency machines kada munisipalidad upang agad na matugunan ang anumang teknikal na problema.

Kabuuang 6,500 automated counting machines ang ilalaan para sa 5,212 presinto sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy rin ang pagsusuri ng Comelec sa mga paaralang gagamiting polling precincts matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8.