Nangako ng tulong ang opisina ni 3rd district Cong. Jojo Lara sa mga vendor’s na naapektuhan sa Road Clearing operations ng mga kinauukulan sa palibot ng Mall of the Valley sa Tuguegarao City.

Ayon kay Lara, ililipat sa pribadong pwesto ang nasa 150 ambulant vendors na naapektuhan ng naturang operasyon.

Kaugnay nito, sasagutin ni Lara ang deposit sa rental ng nasabing pwesto na may buwanang renta na P250,000.

Bukod dito, sinabi ni Lara na nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) para sa karagdagang ayuda na maibibigay sa mga tindera sa ilalim ng livelihood program ng ahensiya.