Cited in contempt ng Senate blue ribbon committee si contractor Pacifico “Curlee” Discaya II dahil sa pagsisinungaling kaugnay sa hindi pagdalo ng kanyang asawa na si Sarah sa pagdinig tungkol sa flood control projects.
Inaprobahan ng komite ang mosyon na inilatag ni Senator Raffy Tulfo para i-cite in contempt si Curlee Discaya matapos na sabihin niya sa komite na ang kanyang asawa at business partner na si Sarah ay hindi nakadalo sa pagdinig dahil sa kanyang “heart condition.”
Kasunod nito, binasa ni Senate Pro Tempore Panfilo Lacson, chairman ng Senate blue ribbon committee ang sulat ni Sarah sa panel na hindi makakadalo dahil sa mayroon siyang pinuntahan na meeting sa kanyang mga empleyado.
Dahil dito, nagalit na si Senator Tulfo at sinabihan si Curlee na nagsisinungaling at niloloko ang mga Senador.
Nang pagpaliwanagin si Curlee, sinabi niya na may diabetes at hypertension ang kanyang asawa.
Hindin tinanggap ang paliwanag ni Curlee, kaya inilatag ang mosyon para i-cite siya for contempt.