TUGUEGARAO CITY-Pumalo na sa 806 ang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 o covid 19 dito sa Rehiyon Dos matapos makapagtala ang Department of Health ng 40 na bagong kaso.

Sa bilang na ito, ayon sa DOH, 253 ang active cases kung saan 41% ang nakakaranas ng mild symptoms, 58% ang asymptomatic habang 1 percent naman ang severe o malala.

Pinakamaraming kaso na naitala ang lalawigan ng Isabela na nasa 388, sumunod ang Cagayan na may 280, Nueva Vizcaya na 98, Santiago na 36 cases at Quirino na apat

Nananatili namang covid 19 positive free ang lalawigan ng Batanes.

Samantala, sumampa naman na sa 545 ang total recoveries kasunod ng paggaling ng apat na pasyente habang walo ang binawian ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --