
Nakalabas na mula sa kanilang nagsilbing tahanan sa loob ng 10 araw – ang Orion spacecraft, ang apat na astronauts – at kasalukuyang nasa inflatable na balsa na tinatawag na “front porch.”
Si Reid Wiseman, ang commander ng Artemis II mission, ang huling lumabas sa sasakyan.
Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga mula sa Mission Control sa Houston, kung saan nagdiriwang ang maraming empleyado ng NASA sa makasaysayang tagumpay na ito.
Ang unang dalawang astronaut ay nakalipat na mula sa Orion papunta sa “front porch” ng kapsula — isang inflatable na balsa matapos ang paglapag sa dagat.
Ihahanda na silang ilipat sa pamamagitan ng helicopter mula sa balsa patungo sa recovery ship, kung saan sila sasailalim sa mga medical check.
Nagdiwang ang Mission Control sa Houston sa pamamagitan ng sigawan at palakpakan habang nakikita ang mga astronaut na lumalabas mula sa kapsula.










