Kritikal ang lagay ng isang driver ng motorsiklo matapos itong mabangga ng kotse sa pambansang lansangan sa Barangay Anquiray, Amulung, Cagayan.
Kinilala ang biktima na sina Reynante Dela Cruz, 42-anyos at angkas nitong si Dennis Rueco, 30-anyos, kapwa construction worker at residente sa Barangay Monte Alegre.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PMSGT Rocel Balisi ng PNP-Amulung na pumutok ang isang gulong ng kotse sa harapan kaya nawalan ng kontrol ang driver na si Sander Sedano, 32-anyos at nasalpok ang kasalubong na motorsiklo na sinakyan ng mga biktima noong gabi ng Sabado.
Kaagad naisugod ang dalawa sa pagamutan na nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan.
Hawak na ng pulisya ang driver ng kotse at nakikipag-areglo na rin umano sa mga kaanak ng mga biktima.