Patay ang dalawang katao habang siyam ang nasugatan matapos na mabangga ng isang sasakyan ang prusisyon kahapon sa Bacolod City.
Batay sa report, pabalik na ang prusisyon sa simbahan sa Barangay Alangilan ng 7 p.m. kagabi nang bumangga ang isang sasakyan sa isang tricycle.
Nabangga din ng nasabing sasakyan ang isang patrol vehicle at ilang mga tao sa prusisyon.
Nabatid na ang nasabing sasakyan ay minaneho ng isang Indian national, na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.
Pinaniniwalaan na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang driver nang mangyari ang insidente.
-- ADVERTISEMENT --