Dalawang malalakas na aftershock ang naitala sa karagatan ng Sarangani sa Davao Occidental nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang magnitude 5.5 na lindol alas-9:16 ng gabi, sinundan ng magnitude 5.3 na pagyanig alas-9:23 ng gabi. Kapwa tectonic ang pinagmulan ng mga lindol at may lalim na 10 kilometro.

Ayon sa PHIVOLCS, ang mga pagyanig ay aftershocks ng magnitude 7.8 at magnitude 6.5 na lindol na tumama sa lugar noong nakaraang buwan. Wala namang inaasahang pinsala, ngunit nagbabala ang ahensya na maaari pang makaranas ng mga kasunod na aftershock.