Huli ang dalawang marijuana courier matapos makipaghabulan sa mga otoridad sa Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Victor Gumba, 47 anyos, mula sa Luccong, Tinglayan
ngunit kasalukuyang naninirahan sa Dasmarinias habang ang hindi na pinangalan ang 18 anyos na kasama nito na residente ng Pacak, Agbannawag, Tabuk City.

Ayon kay PCOL Davy Vicente Limmong, director ng PNP Kalinga, ang unang operasyon ng mga otoridad ay silbihan sana ang warrant of arrest si Gumba dahil sa pagkakasangkot nito sa kalakaran ng iligal na droga ngunit hindi nadatnan sa kanilang bahay sa Luccong.

Matapos nito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad kaugnay sa pagluluwas ng isang kahinahinalang sasakyan ng umano’y iligal na droga palabas ng Kalinga kaya’t naglatag sila boarder control checkpoints.

Bunsod nito ay naharang ng mga operatiba ang isang sasakyan sa bahagi ng Tabuk City at nakumpirma na ang nagmamaneho nito ay si Gumba ngunit ng lapitan at silbihan ng warrant of arrest ng mga pulis ay tinutukan sila ng baril at pinaharurot ang sasakyan palayo sa checkpoint.

-- ADVERTISEMENT --

Hinabol siya ng mga otoridad ngunit pinaputukan sila ng baril at ng gumanti ang pulisya ay natamaan sa ang kaliwang paa nito kaya’t nawalan ng kontrol at dumiretso sa palayan.

Nakumpiska mula sa kanya ang 10 pcs ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng P1.2M, isang unit ng Cal 9mm Smith and Wesson na may magazine at apat na bala, dalawang hand grenade at P13,750 cash.

tinig ni PCOL Limmong