
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawang overseas Filipino workers (OFWs) ang pinatay ng kanilang employer sa Beirut, Lebanon.
Ayon sa DMW, ang dalawang biktima-kapwa matagal nang nagtatrabaho bilang mga kasambahay—ay bihag muna bago tuluyang pinaslang noong Abril 15, 2026.
Naaresto naman na ang employer at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
Kasunod ng insidente, magtutungo ang mga opisyal ng DMW sa mga pamilya ng mga biktima upang magbigay ng tulong at suporta mula sa pamahalaan.
Patuloy ring nakikipag-ugnayan ang DMW sa Embahada ng Pilipinas sa Lebanon at sa mga awtoridad ng Lebanon upang mabantayan ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.
-- ADVERTISEMENT --










