TUGUEGARAO CITY-huli ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng ISIS matapos na isilbi ang search warrant sa kanilang mga bahay dahil sa pag-iingat ng mga baril sa Baggao,Cagayan

Nasa custody ngayon ng mga otoridad sina Altero Bello Cariaga at Greg Bello Cariaga,kapwa residente ng Brngy.Dabbac

Nakuha sa tahanan ni Altero ang watawat ng isis dalawang baril at mga bala ng mga ito at isang improised explosive device at isang disc na inaalam na kung ano ang nilalaman nito

Nakumpiska naman sa tahahan ni Greg ang isa ring ISIS flag ,dalawang baril at mga bala at IED at isa ring disc

Sinaksihan ng punong barangay ng nasabing lugar ang inventory sa mga nakuhang mga armas at iba pang bagay sa dalawa

-- ADVERTISEMENT --