Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng walong porsiyentong pagtaas sa mga kaso ng influenza-like illness o mga karamdamang may sintomas na tulad ng trangkaso, habang nakatakdang simulan ang pamamahagi ng mga bakuna laban dito sa susunod na linggo.

Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, umabot sa 11,137 ang mga kaso noong nakaraang linggo, mas mataas kumpara sa 10,278 na naitala sa panahon ng Setyembre 3 hanggang 16.

Gayunman, sinabi ni Mercado na mas mababa pa rin ang kabuuang bilang ng mga kaso mula Enero hanggang nakaraang linggo kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.

Paliwanag ng kalihim, maaaring kumalat ang mga impeksiyon sa paghinga sa pamamagitan ng droplets mula sa pag-ubo at pagbahing, gayundin sa paghawak sa mga kontaminadong bagay o ibabaw.

Dagdag pa niya, karaniwang tumataas ang mga kaso kapag malamig ang panahon at mas maraming tao ang nagtitipon sa mga saradong lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Uunahin sa pamamahagi ng bakuna ang mga sektor na mas bulnerable sa mga sakit.