Suportado ng Department of Budget and Management o DBM ang panibagong live-streaming ng bicameral conference committee deliberations para sa panukalang ₱7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027.

Ayon kay Budget Secretary Kim Robert de Leon, makatutulong ang open bicam para maging mas transparent at accountable ang proseso ng pagbuo ng budget.

Sinabi ni De Leon na nakahanda ang DBM na magbigay ng mga dokumento at teknikal na impormasyon kung muling isasagawa ng Kongreso ang open bicam.

Unang isinagawa ang live-streaming ng bicam deliberations noong Disyembre para sa 2026 budget matapos mabunyag ang mga kuwestiyonableng pondong ipinasok umano sa bicam, kabilang ang mga proyekto para sa flood control.

Samantala, pormal nang isinumite ni President Ferdinand Marcos Jr. sa 20th Congress ang panukalang ₱7.2-trilyong pambansang budget para sa fiscal year 2027.

-- ADVERTISEMENT --