Sinabi ng Department of Education (DepEd) na ipinatutupad na nito ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inihayag sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), kabilang ang pagpapabuti sa kapakanan ng mga guro, pagpapatayo ng mga silid-aralan, at reporma sa Senior High School (SHS)

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, naipatupad na ang promosyon ng humigit-kumulang 82,000 guro at school heads, habang nakatakda ring kumuha ng mahigit 32,000 guro at 32,000 non-teaching personnel ngayong 2026 upang mabawasan ang administrative workload ng mga guro.

Iniulat din ng DepEd na mahigit 21,000 silid-aralan na ang natapos, habang isinusulong ang pinalakas na SHS program, school feeding program, at iba pang hakbang upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at kaligtasan ng mga mag-aaral.