
Iginiit ng House prosecution panel na lalo umanong nagpapalakas sa kanilang argumento ang pahayag ng defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi inaatasan ng batas ang mga korporasyon na magdeklara ng dividends.
Ayon kay House prosecution spokesperson Zia Alonto Adiong, hindi nito nasasagot ang pangunahing tanong kung saan nagmula ang perang makikita sa pagtaas ng net worth ni Duterte na nakasaad sa kanyang SALN.
Samantala, sinabi ng defense lawyer na si Justin Gular na hindi awtomatikong kailangang magdeklara ng dividends ang mga kompanyang may unrestricted retained earnings.
Kinumpirma naman ng SEC witness na si Gerardo del Rosario na hindi awtomatikong required ng batas ang declaration ng dividends sa ganitong sitwasyon.
Kasunod nito, sinabi ng prosecution na 10 kumpanyang konektado kay Duterte at sa kanyang asawang si Manases Carpio ang hindi nagdeklara ng dividends sa ilang taon.
Samantala, lumitaw din sa pagdinig na nakakuha ang GenCorp Industries Inc. ng 49 government contracts na nagkakahalaga ng P35 milyon, kabilang ang 33 mula sa PhilHealth Region 11, 15 mula sa Davao City government at isa mula sa OWWA Region 11.




