
Isinusulong ng Department of Energy o DOE ang isang competitive procurement framework para sa mga nuclear power project sa bansa, bilang paghahanda sa pagsasama ng nuclear energy sa power generation mix ng Pilipinas.
Kabilang sa panukalang proseso ang mahigpit na pagsusuri sa grid readiness, phased construction at delivery schedules, at kontrol sa presyo ng kuryente.
Ayon sa DOE, kailangang magsagawa ang mga bidder ng preliminary grid assessment at tukuyin ang mga substation, connection points at transmission requirements para matiyak ang ligtas na pagsasama ng nuclear power sa electricity system.
Itatakda rin ng Energy Regulatory Commission ang mga price ceiling, reserve price at tariff range, at awtomatikong madidiskwalipika ang mga bid na lalampas sa itinakdang presyo.
Target ng pamahalaan na makapagdagdag ng 1,200 megawatts na nuclear power capacity pagsapit ng 2032, 2,400 MW sa 2035 at 4,800 MW sa 2050.
Nilalayon pa ng DOE na isama ang mga suhestiyon mula sa mga stakeholder bago tuluyang ipinalabas ang department circular.









