Sinabi ng Department of Energy o DOE na pansamantala lamang ang mataas na paunang gastos sa renewable energy, dahil inaasahang patuloy na bababa ang presyo habang umuunlad ang teknolohiya.

Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevarra, bumaba na ang presyo ng solar power mula P9.68 kada kilowatt-hour noong 2015 sa tinatayang P4.50 kada kilowatt-hour ngayon.

Sa kasalukuyang energy mix ng bansa, nasa 62% ang coal, 25% renewable energy, habang ang natitira ay mula sa oil at battery energy storage systems.

Target ng DOE na mapataas sa 35% pagsapit ng 2030 ang bahagi ng renewable energy sa power generation mix.