Nagtaas ng Code White Alert ang Department of Health o DOH bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Storm Domeng sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa DOH, nakaalerto ang mga regional office o Centers for Health Development upang tiyakin ang agarang pagtugon sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyo. Kabilang sa inihahanda ng kagawaran ang mga gamot, hygiene kits, medical equipment, at health emergency teams.

Inatasan din ng DOH ang lahat ng regional offices na manatiling nakaalerto 24 oras kada araw upang agad makapagbigay ng kinakailangang tulong.

Batay sa huling abiso ng, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Eastern Visayas at ilang bahagi ng Bicol Region dahil sa trough ng Bagyong Domeng. Apektado rin ng southwest monsoon ang ilang bahagi ng Western Visayas, Mindanao, at Palawan.

Huling namataan ang sentro ng Bagyong Domeng sa layong 1,130 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 105 kilometro kada oras.

-- ADVERTISEMENT --