
Kinilala ng Department of Health ang pangangailangan ng mas pinalawak na training at recruitment upang matugunan ang kakulangan ng mga nurse sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, hindi lamang recruitment ang dapat pagtuunan ng pansin sa pagresolba sa global nurse shortage kundi pati knowledge-sharing, training, at capacity building ng healthcare workers.
Sinabi ng DOH na patuloy nitong binabalanse ang pagtulong ng mga Filipino healthcare worker sa ibang bansa habang tinutugunan din ang pangangailangan ng lokal na healthcare system.
Binigyang-diin din ng ahensya na malaki ang naitutulong ng mga Filipino nurse at healthcare workers sa international health sector dahil sa kanilang mataas na clinical competence at professional standards.
Kasabay nito, sinabi rin ng DOH na mahalaga ang kooperasyon ng mga bansa sa usaping pangkalusugan, lalo na’t walang pinipiling hangganan o pulitika ang pagkalat ng mga virus at sakit.










