
Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na mailayo sa pulitika ang Department of Health (DOH) kasunod ng pagtatalaga kay Dr. Jose “Brix” Pujalte Jr. bilang bagong kalihim ng ahensya.
Ayon kay Cayetano, umaasa siyang magsisilbing simula ng malalaking reporma ang bagong liderato upang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan at mapalakas ang healthcare system ng bansa.
Aniya, mahalagang makapagtrabaho ang DOH nang walang impluwensiya ng pulitika upang mas epektibong mapaglingkuran ang publiko.
Noong Hulyo 13, inanunsyo ng Malacañang ang pagtatalaga kay Pujalte bilang kapalit ni dating Health Secretary Teodoro Herbosa, na nagbitiw sa puwesto dahil sa kadahilanang pangkalusugan.
Si Pujalte ay isang orthopedic surgeon na may mahigit 30 taong karanasan bilang doktor, hospital administrator, guro, at public servant.










