
Hiniling ng Department of Justice (DOJ) kay singer-lawyer Jimmy Bondoc na ibigay na ang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na may umiiral na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa DOJ, iniutos ni Justice Secretary Frederick Vida ang pag-iisyu ng letter request kay Bondoc, na nagsisilbing legal counsel ni Dela Rosa, upang ilahad ang anumang impormasyong hawak niya o maaaring makatulong sa pagtukoy sa lokasyon ng kanyang kliyente.
Binigyang-diin din ng kalihim na ang attorney-client privilege ay hindi maaaring gamiting dahilan upang hindi makipagtulungan sa mga legal na proseso, lalo na kung may kinalaman sa pagharang sa hustisya o pagkanlong sa mga taong pinaghahanap ng batas.
Paalala ng DOJ, ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon ay bahagi ng pagpapatupad ng batas at pagpapatuloy ng proseso kaugnay ng kaso.




