Nagsampa ang Department of Justice o DOJ ng kasong grave threats laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng mga naging pahayag nito noong 2024 na umupa umano siya ng isang tao upang ipapatay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyaring masama sa kanya.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, nakitaan ng prosecutors ng prima facie evidence ang kaso na may sapat na basehan upang isampa laban sa ikalawang pangulo.

Inihain ang kaso sa Quezon City Regional Trial Court at itinakda sa P120,000 ang piyansa.

Samantala, ibinasura ng DOJ ang hiwalay na reklamo para sa inciting to sedition dahil hindi umano nakitaan ng sapat na ebidensya.

Iginiit naman ng abogado ni Duterte na nananatiling presumed innocent ang bise presidente at nakahanda itong gamitin ang lahat ng legal na remedyo laban sa mga isinampang kaso.

-- ADVERTISEMENT --