
Nakatakdang talakayin ng Senate impeachment court ngayong Martes, Oktubre 13, ang kahilingan ng House prosecution panel na ibasura ang Article III o mga kasong may kaugnayan sa bribery laban kay Vice President Sara Duterte.
Magpapatuloy ang paglilitis alas-1 ng hapon, kung saan inaasahan ding maghahain ng huling pahayag ang prosecution panel at iba pang panig.
Tatlo na sa apat na impeachment articles ang natalakay ng prosekusyon, kabilang ang umano’y grave threats laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., maling paggamit ng confidential funds, at umano’y pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman.
Kapag pormal nang nagpahinga ang prosekusyon sa paglalahad ng ebidensiya, bibigyan ito ng panahon upang isumite ang pormal na listahan ng mga ebidensiya, na maaari pang komentuhan ng kampo ni Duterte.










