
Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na wala pa itong natatanggap na impormasyon kaugnay sa kumakalat na ulat na naaresto na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, wala silang kumpirmasyon hinggil sa umano’y pagkakadakip ng senador, na nahaharap sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC)
Matatandaang ilang buwan nang hindi nagpapakita sa publiko si Dela Rosa matapos umalis sa kustodiya ng Senado noong Mayo.
Iniuugnay siya ng ICC sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kampanya kontra iligal na droga ng nakaraang administrasyon.










