Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga polisiya para sa delivery riders, kabilang ang dagdag na bayad sa night shift at hazard pay, lalo na kapag masama ang panahon.

Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, itinuturing na emerging sector ang delivery services at wala pa itong malinaw na pamantayan sa ilalim ng mga umiiral na labor policy.

Kabilang sa mga hakbang na sinusuri ang dagdag na bayad para sa mga nagtatrabaho sa gabi, hazard pay, protective equipment gaya ng rain boots at tulong sa pagkukumpuni ng motorsiklo kapag nasira habang naghahatid.

Sinabi ni Tolentino na handa ang DOLE na magsulong ng mga polisiya para maprotektahan ang delivery riders, na naging mas laganap noong panahon ng COVID-19 pandemic. Aniya, maaari ring pag-aralan ang pagbabago sa batas upang magkaroon ng mas malinaw na proteksiyon para sa mga gig worker.