Ikinabahala ng Department of Transportation (DOTr) ang insidente ng pambubugbog sa isang 25-anyos na person with disability (PWD) na umano’y ginamitan pa ng taser gun ng kapwa niya pasahero sa loob ng bus.
Nangyari ang pananakit ng naturang pasahero sa loob ng Precious Grace Transport bus sa EDSA Bus Carousel noong Hunyo 9.
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na dapat maintindihan ito ng publiko dahil hindi madali ang kondisyon ng mga may kapansanan.
Sa viral video, ang PWD ay maririnig na humihiyaw at umiiyak matapos siyang gulpihin ng mga pasahero sa loob ng bus.
Iniimbestigahan na ng DOT kung ang taser gun ay ginamit sa biktima matapos marinig ang tunog ng electric shock sa video.
Bukod dito, sinabi ng ahensya na ang bus driver at konduktor ay dapat ding managot sa sitwasyon.
Sinuspinde na rin ng Land Transportation Office (LTO) ang kanyang driver’s license ng 90 araw.
Ipinatatawag na rin ng Land Transporatation Franchising and Regulatory Board ang Precious Grace upang pagpaliwanagin at suspendihin ang kanilang 10 units sa loob ng isang buwan.
Itinakda ang pagdinig sa usapin sa Hunyo 25.
Gayunman, sinabi ng abogado ng kompanya na gumawa ng habang ang driver at konduktor sa nangyaring insdiente.