Huli ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa Dagupan West, Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa PNP Kalinga, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad, kung saan isa sa kanila ang nagpanggap na buyer ng shabu sa halagang P1,000.

Nakumpiska mula sa lalaki na 26 anyos, residente ng Sitio New Bangad, Barangay Agbannawag, Tabuk City ang pitong piraso ng maliliit na transparent heat-sealed plastic sachets na pinaniniwalaang shabu na may tinatayang halaga na mahigit P4,000.

Ayon sa PNP, ang suspek ay street level individual.

Siya ay nakatakdang sampahan ng kaso na paglabag Republic Act (RA) 9165 ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --