Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa na ang ahensya sa pagtugon sa epekto ng Bagyong Kiyapo.

Ayon kay DSWD RO2 Director Lucia Alan, mayroon nang mahigit 270,000 Family Food Packs ang nakahanda sa mga bodega at naka-prepositioned sa ibat ibang lalawigan sa rehiyon at mayroon ding P3 million na stand-by fund para sa agarang emergency purchase kung kinakailangan.

Bukod sa pagkain, nakahanda rin ang mga tents, sleeping kits, family kits, at isang mobile kitchen para sa emergency feeding.

Mayroon ding mobile command center na may generator at computer set upang mapanatili ang komunikasyon sakaling magkaroon ng pagkawala ng signal.

Dahil sa sama ng panahon, kanselado ang mga flights kayat may 32 indibidwal ang stranded ngayon sa Batanes na tinutulungan na ng ahensya habang patuloy ang moniotoring sa mga coastal areas sa Isabela at Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Kaninang umaga ay nagsimula nang maranasan ang katamtamaan hanggang sa malakas na ulan sa buong rehiyon.