Mahigit P1.1 bilyon na halaga ng tulong ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat at mga nagdaang bagyo.

Kabilang dito ang mahigit 1.7 milyong family food packs, ready-to-eat boxes, non-food items at financial assistance.

Naglaan din ang ahensya ng tulong medikal at pampalibing, gayundin ng transitory shelter assistance para sa ilang pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa landslide at pagbaha.

Ayon sa DSWD, mayroon pang 3.8 milyong family food packs na nakapuwesto sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang paghahanda sa posibleng panibagong weather disturbance.

Patuloy din ang pamamahagi ng ayuda habang minomonitor ang tatlong bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility, kabilang ang Typhoon Saudel na inaasahang maaaring maging super typhoon bago pumasok sa PAR.

-- ADVERTISEMENT --