
Nagbabala ang Department of Trade and Industry sa mga retailer laban sa hoarding at profiteering.
Ayon sa DTI, maaaring makulong ng hanggang 15 taon at pagmultahin ng hanggang P2 milyon ang sinumang mapapatunayang lalabag.
Ipinaliwanag ng ahensya na paiigtingin nila ang pagpapatupad ng Republic Act No. 7581 (Price Act of the Philippines), na nagbabawal sa manipulasyon ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi ng DTI na hindi nila palalampasin ang mga ganitong ilegal na gawain, lalo na ngayong may pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay dahil sa patuloy na krisis sa Middle East na maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Samantala, tiniyak naman ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque na sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa bansa at maaaring tumagal ng hanggang dalawang buwan, batay sa impormasyon mula sa mga manufacturer.










