
Nagkaroon na ng mga improvements ang mga flood monitoring at mitigation efforts sa Metro Manila.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, na kumpara noong mga nakaraang taon ay mabilis ng humupa ang mga baha.
Ilan sa mga tinukoy nitong mga lugar ay sa kahabaan ng Araneta Avenue at bahagi ng Taft Avenue.
Dagdag pa nito na hindi sila tumitigil para tuluyang maayos ang nasabing pagbaha.
Bukod sa paglilinis at pagsasaayos sa mga drainage ay maraming mga paraan pa para tuluyang mabilis na bumaba ang tubig baha.
Pinuri nito ang Metropolitan
Manila Development Authority (MMDA) dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawang paglilinis nila ng mga drainages sa Metro Manila.
Inamin din ng Kalihim na maraming hamon pa rin sa kanila ang ilang lugar na palagiang binabaha gaya sa ilang bahagi ng Pampanga.










