Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang paggamit ng mga electric tricycle o e-trike upang mabawasan ang gastos sa gasolina at madagdagan ang kita ng mga drayber.

Ayon sa Pangulo, kayang bumiyahe ng mga e-trike nang 100 hanggang 210 kilometro sa isang beses na pag-charge, habang umaabot naman sa anim hanggang walong oras ang full charging.

Inihayag ito ni Marcos sa pagbisita sa planta ng paggawa at pag-assemble ng mga de-kuryenteng sasakyan sa Biñan, Laguna.

Bukod sa pagtitipid ng mga drayber, inaasahang makalilikha rin ang pamumuhunan ng mga trabaho at magpapalakas sa lokal na industriya ng sasakyan.

Hinimok din ng Pangulo ang kumpanya na kumuha ng mas maraming piyesa mula sa mga lokal na manufacturer upang madagdagan ang oportunidad para sa mga negosyante at manggagawang Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --

Target ng pamahalaan na gawing de-kuryente ang 50 porsiyento ng mga sasakyan sa bansa pagsapit ng 2040.