May malaking hamon na haharapin ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos siyang makatapat si World No. 2 Elena Rybakina sa Round of 32 ng Italian Open ngayong Linggo.

Ito ang unang pagtatapat ng dalawang manlalaro at nakatakdang magsimula ang laban alas-10 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Kasalukuyang isa si Rybakina sa pinakamalalakas na manlalaro sa women’s tennis matapos manalo sa Australian Open ngayong taon laban kay World No. 1 Aryna Sabalenka.

Samantala, nakapasok si Eala sa third round matapos talunin sina Wang Xinyu at Magdalena Fręch sa naunang mga laban sa torneo.

Bagamat mahirap ang kaniyang susunod na laban, kilala na rin si Eala sa pagtalo sa ilang matataas na ranked players sa women’s tour.

-- ADVERTISEMENT --

Bahagi rin ng paghahanda ni Eala sa clay-court season ang Italian Open para sa nalalapit na French Open.